Manila, Philippines – Gumawi naman tayo sa Las Piñas, kaharian ni Las Piñas Chief of Police Supt. Marion Balonglong (Kapangit naman ng apelyido ni hepe. Hehehe.), at silipin natin ang mga saklaan na may patay at saklaan na wala namang patay sa siyudad na ito.
Unahin muna nating silipin itong pwesto pijo ni Fredia Cabrera sa Zapote Basa na halos araw-araw at gabi-gabi na pinagkukulumpunan ng mga drug addict.
May tatlong mesang nakalatag sa pwesto pijo na pasaklaan niya ngunit hindi man lamang hinuhuli ng kapulisan.
Ang matindi pa sa pwesto pijo na pasaklaan ni Fredie kahit walang patay, tuloy-tuloy ang pasaklaan niya.
Kung minsan ay may nagbebentahan pa ng iligal na droga na madalas na magpakita at umikot sa mga nagsasakla roon sa nasabing pwesto ni Fredie.
Bukod sa pwesto pijo na pasaklaan ni Fredie sa Zapote Basa ay malakasan din ang mga pasaklaan niyang may patay at pasaklaang walang patay sa mga lugar gaya ng Brgy. Aldana, Brgy. Ilaya, Brgy. Daniel Fajardo at ang walang kamatayang pasaklaan niya sa Brgy. Manuyo.
Ang dami no? Ganyan ka-lakas si Fredie kay Supt. Balonglong kaya naman malakas din na magbigay ng tara si Fredie kay koronel. Kaya naman “sky is the limit” ang kanyang mga pasugalan sa buong siyudad ng Las Piñas.
‘Di ba Col. Balonglong? Hehehehe.
SI MAYOR DOMOGAN AT PASUGALAN SA BAGUIO
Sa Baguio City, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin natitinag ang mga iligal na pasugalan na pa-drop ball at color game nitong si Oldak sa may paanan ng Jose Rizal Monument sa may Otic St. sa nasabing siyudad.
Maging ang pwesto pijo na pa-drop at pa-color game ni alias Larry na minamantine naman ng kanyang trusted na si alias Cora sa Magsaysay St., Baguio City.
Walang aksyon, maging si Baguio City Mayor Mauricio Domogan. Kahit abot na ng tanaw lang ang mga pasugalang ito mula sa munisipyo ay hindi man lamang kumilos si Mayor para paalisin ang mga nasabing sugalan.
o0o
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juande[email protected] o juande[email protected].
-JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA