Pasyente ng CVMC na positibo sa COVID-19, nasawi

Pasyente ng CVMC na positibo sa COVID-19, nasawi

July 12, 2020 @ 4:40 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Cagayan – Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang pasyente ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kinumpirma ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Chief ng CVMC na nasawi sa komplikasyong sakit ang isang COVID-19 patient ng ospital ngayong Linggo, Hulyo 12, 2020.

Ang 49-anyos na lalaki na residente ng Cagumitan, Tuao, Cagayan ay nasa CVMC na ng Hulyo 5 dahil sa naging suspect case ng virus hanggang sa makumpirmang nahawa na ito sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Baggao, simula nang ma-admit ang pasyente sa ospital ay nakitaan na ito ng hindi magandang kondisyon dahil sa iba’t ibang karamdaman tulad ng kidney, diabetes at dagdag pa ang sintomas ng nasabing pandemic virus.

Base sa data ng nasabing hospital ay umabot pa ng pitong (7) araw sa hospital dahil na rin sa mga karamdaman nito.

Pinayuhan ang mga kamag-anak ng biktima sa loob ng 12 hours ay dapat nang ilibing ang labi base sa health protocols para sa mga nasasawing may sakit ng pandemic virus. Rey Velasco


  •  
  •  
  •  

Loading...