PATAFA handang makipag-usap kay Obiena

PATAFA handang makipag-usap kay Obiena

November 25, 2021 @ 1:03 PM 3 days ago


MANILA – Payag umano ang Philippines’ track and field governing body na makipag-usap kay Olympian EJ Obiena para matapos na ang problema.

Matatandaang inatasan si Obiena na ibalik ang halagang 85,000 euros matapos akusahan ng Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) na hindi nito binayaran ang kanyang coach na si Vitaly Petrov at nagpasa pa ng palsipikadong dokumento.

Itinanggi ng Olympian, may hawak ng national at Asian records sa pole vault, ang alegasyon at ipinakita ang dokumentng nagpapatunay na nabayaran na niya si Petrovs ng kabuuan ng sweldo nito.

Ayon sa PATAFA, bumuo na sila ng independent committee na mag-iibestiga sa isyu.

“Yesterday, (Philippine Sports Commission) chairman (Butch) Ramirez said, ‘Have a dialogue’. ‘Sure’, I say. That is what should happen to begin with,” ani PATAFA Prexy Philip Juico.

“My only problem is the appointment. And then I saw the statement. It said, if this is not followed, the support for the federation may be withdrawn… It’s like a person brought you a certain message and you do not like the message, so patay yung messenger. Sabi ko, okay whatever the PSC wants, sunod kami, we will cooperate.”

Ayon kay Juico, inireport ni Obiena sa PATAFA na naayos na niya ang sweldo ni Petrov mula May 2018 hanggang August 2021 sa tamang oras, pero base sa record kamakailan lang umano niya naayos ang sweldo ng coach.

Ginawa pa umano ang pagbabayad na putol putol sa pamamagitan ng banko na nakabase sa Dubai, Germany at Manila, ani Juico.

Ang top athletes umano na kagaya ni Obiena ay may “business manager,” banat ni Juico.

Mula pa noon, ang PATAFA ay pumipirma ng kontrata direkta sa service provider ni Obiena, ayon kay Juico.

“Hindi issue ito (It’s not an issue). It’s just a matter of, at that time, everything turned upside down because of this COVID situation. Nagkagulo,” kwento pa nito.

“We had to respond to it. Obiena cannot stop training because of COVID. We cannot be petrified into this state. Better to do something and arrange it, than do nothing.”

Nang tanungin kung maayos pa ba ang isyu, sinabi ni Juico na depende ito sa resulta ng imbestigasyong ginawa ng administrative committee.

“A lot will depend on what they say, what our board says. We are a collegial body,” ayon kay Juic.

Humingi si Obiena ng public apology mula sa PATAFA at bawiin ang alegasyon nito.Rico Navarro