Patakaran para sa off-site vaccination ng mga pribadong kumpanya ipinasa sa Valenzuela

Patakaran para sa off-site vaccination ng mga pribadong kumpanya ipinasa sa Valenzuela

July 9, 2021 @ 7:59 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Naglabas ng patakaran ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela  para sa off-site vaccination facilities ng mga pribadong establisimyento na patuloy na titiyak sa pagtutulungan ng lungsod at pribadong sektor sa pamamahagi ng bakuna laban sa pandemya.

Nakasaad sa City Ordinance No. 905, Series of 2021 o “COVID-19 Vaccination Site Standardization Protocols and Registration Process for Private Establishments,” na ang isang off-site vaccination facility ay dapat may sapat na laki para sa physical distancing, wastong vaccine cold storage, sapat na mga saksakan at kapasidad ng kuryente, at maayos na mga palikuran.

Dapat ding mayroong waiting area, pre-vaccination counseling at final consent area, screening area, vaccination area, at post-vaccination area ang pasilidad.

Ang pagpapatupad ng standard vaccination cards/passports, screening forms, at ValTrace QR codes ay kailangan rin para sa mga libreng bakunang ituturok.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod,  228, 349 doses na ng COVID-19 vaccines na ang ang naiturok hanggang Hulyo 7, at 174,157 na ang nakatanggap ng unang dosis, habang 54,192 na ang kumpletong bakunado. Merly Iral