Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na agad na magsasagawa ng patas at masusing imbestigasyon si PNp Chief Director-General Oscar Albayalde sa nangyaring pananambang kay Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija kanina.
Tiwala rin si Presidential spokesperson Harry Roque na mabibigyan ng katarungan ang nangyari sa Alkalde.
Tiniyak naman nito sa publiko na gagawin ng gobyerno ang lahat para mabatid ang ugat ng pinakabagong krimen na ito.
Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malakanyang sa naiwang pamilya ni Mayor Bote
“We are confident that PNP Chief, Director-General Oscar Albayalde, would be able to conduct a fair and thorough investigation and bring the perpetrators to justice. We assure everyone that we would discharge the state obligation for every murder. We will spare no effort in getting to the bottom of this latest violent crime. Our deep condolences go to the bereaved family of General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote,” ayon kay Sec. Roque. (Kris Jose)