Patas na trato sa POGO workers, sigaw ng labor groups

Patas na trato sa POGO workers, sigaw ng labor groups

September 23, 2022 @ 9:42 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang labor groups na tratuhin rin ng patas at may respeto ang mga dayuhang manggagawa sa bansa katulad na lamang ng mga POGO workers.

Ito ang sinabi ng Nagkaisa sa pamamagitan ni Chairperson Sonny Matula na bilang ang Pilipinas ay humihiling rin ng pantay na trato sa mga OFWs sa ibang bansa, kaparehong prinsipyo rin dapat ang pairalin sa mga dayuhang nagtatrabaho dito sa bansa.

Kaugnay ito ng umuusbong na isyu o humanitarian crisis sa balak na pagpapa-deport sa bansa ng libo-libong mga POGO workers na karamihan ay mga Tsino dahil sa paglabag umano sa immigration at national laws.

“For decades we continue to confront this same humanitarian crisis, in fact of bigger magnitude than this one, as we handle complex crises involving our distressed OFWs who were denied equal protection by their host countries. We, therefore, cannot deny other nationals of the same principles that we ourselves demand from other States,” ani Matula sa isang statement.

Dagdag pa ng labor group, nakapirma ang Pilipinas sa United Nations convention kung kaya’t may obligasyon rin umano tayo na magpatupad ng non-discriminatory policies hindi lamang sa proteksyon ng ating sariling mamamayan kundi maging ng mga manggagawa galing sa ibang bansa.

Responsibilidad rin ito ng Department of Labor and Employment para kay Matula dahil ito ang nakatakda upang magbigay ng work permit at magsaayos ng pagtatrabaho ng mga foreigner sa ilalim ng Labor Code.

“To us in the labor movement, the most important aspect of that protection aside from due process is by not criminalizing the victims for in many cases, migrant workers end up victims to onerous labor contracts if not outright trafficking by criminal organizations,” dagdag pa niya.

Sa huling tala ng Philippine Amusement and Gaming Corpoation nitong 2020, mayroong 120,976 na mga POGO workers sa bansa at malaking bahagi dito ay mga Chinese, Vietnamese at Indonesian. RNT/JGC