Patay-kuryente sa malls, opisina sa Mayo 9 para iwas-brownout – Win

Patay-kuryente sa malls, opisina sa Mayo 9 para iwas-brownout – Win

April 7, 2022 @ 9:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Martes na isara ang ilang shopping malls at iba pang establisyimento na kumukonsumo ng malaking kuryente upang matiyak ang sapat na kuryente sa Mayo 9 na halalan.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagkakaroon ng walang patid na supply ng kuryente upang magarantiyahan ang maayos at kapani-paniwalang pambansa at lokal na halalan.

“Sa araw ng eleksyon ay mayroong kuryente dahil wala pong pasok. So, ang ibig sabihin, yung mga opisina katulad po nito [Senate], wala po kaming pasok, mababa po ang konsumo ng kuryente. Pero para masigurado na talagang mayroong kuryente, ang aking proposal, yung ilan sa mga shopping mall at ilan sa mga establisimyento,” ani Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian, ang chairperson ng Senate committee on energy, na mahalagang maayos ang pagbilang ng mga boto.

“Makakapagshopping nga tayo pero magulo naman yung halalan natin dahil hindi naman mabibilang yung boto natin, mas malaking problema po yan. Yan naman po ay kung talagang worst-case scenario, kung talagang nakikita natin na may malaking banta ng pagba-brownout (We can go shopping but our election is chaotic because our votes cannot be counted, it is a bigger problem. It is just for ang worst-case scenario kung nakita natin na magkakaroon ng banta ng pagkawala ng kuryente,” sabi ni Gatchalian.

Tiniyak niya na base sa kanyang computation, kung magiging maayos ang takbo ng lahat ng power plants, magkakaroon ng sapat na power supply sa May 9 polls.

Noong Enero, tiniyak ng Department of Energy sa publiko na magkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa Mayo 9 na halalan. RNT