Patay na Pinoy sa COVID malapit nang tumuntong sa 63,000

Patay na Pinoy sa COVID malapit nang tumuntong sa 63,000

September 30, 2022 @ 6:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot pa sa 2,536 na bagong impeksyon sa COVID-19, ang iniulat sa bansa nitong Huwebes.

Sa bilang na ito, tumaas ang case tally sa bansa sa 3,945,566.

Ang bagong daily tally matapos ang dalawang araw na mas mababa sa 3,000 bagong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), ang mga bagong kaso ay nagdala ng active tally sa bansa sa 28,172 mula sa 27,553 active tally na naiulat noong Miyerkoles.

Sinabi ng DOH na ang National Capital Region (NCR) ay nanatiling rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 13,962, sinundan ng Calabarzon na may 5,307, Central Luzon na may 2,794, Davao Region na may 1,323, at Western Visayas na may 808.

Ayon pa sa DOH, umakyat sa 3,854,478 ang recovery tally ng bansa habang ang death toll ay tumaas sa 62,916.

Hindi bababa sa 7,331 na kama ang okupado, habang 21,413 ang bakante dahil ang bed occupancy sa bansa ay nasa 25.5% noong Martes, Setyembre 27.

Nasa kabuuang 17,779 indibidwal na rin ang na-test habang 336 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang datos noong Miyerkules, September 28. Jocelyn Tabangcura-Domenden