Patay na sanggol lumutang sa dagat

Patay na sanggol lumutang sa dagat

December 4, 2022 @ 4:31 PM 2 months ago


EASTERN SAMAR – Kaawa-awa ang sinapit ng 7-buwan sanggol na lalaki matapos matagpuan ang bangkay na nagpalutang-lutang sa baybaying dagat na sakop sa bayan ng Llorente.

Sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office-Llorente, Biyernes ng umaga natagpuan ng mga residente ang patay ng sanggol sa Barangay 11, Llorente, Eastern Samar.

Ayon sa mga residente, inakala lamang nilang isang patay na aso ang palutang-lutang na inaanod kasama ang mga basura.

Subalit nang lapitan ito, dito na nila nakitang isa palang sanggol at dumudugo pa ang pusod nito.

Agad naman inilibing ang sanggol sa pampublikong sementeryo.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente para malaman ang pagkakakilanlan ng walang pusong magulang ng sanggol para mapanagot. Mary Anne Sapico