Patay sa bagyo sa New Zealand, 11 na

Patay sa bagyo sa New Zealand, 11 na

February 19, 2023 @ 11:55 AM 1 month ago


NEW ZEALAND – Umakyat pa sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa
Cyclone Gabrielle na nanalasa sa New Zealand.

Maliban dito ay libo-libong katao naman ang hindi ma-contact matapos ang pagtama ng malakas na bagyo sa North Island, ng nasabing bansa.

Kasabay nito, tinawag ni Prime Minister Chris Hipkins ang Cyclone Gabrielle bilang “New Zealand’s biggest natural disaster of the century.”

Nitong Linggo, Pebrero 19, sinabi ng pulisya na dalawa pa ang nasawi sa Hawke’s Bay area, dahilan para sumampa sa 11 ang total death toll.

Samantala, 5,608 katao ang uncontactable sa bansa, habang 1,196 ang nairehistrong ligtas. RNT/JGC