Patay sa baha, ulan umakyat na sa 13 – NDRRMC

Patay sa baha, ulan umakyat na sa 13 – NDRRMC

December 27, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umakyat pa sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa malakas na pag-ulan at malawakang pagbaha sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang 5 a.m. report nitong Martes, Disyembre 27 kung saan sa nabanggit na bilang, pito ang iniulat sa Norhtern Mindanao, tatlo sa Bicol, dalawa sa Eastern Visayas at isa sa Zamboanga.

Sa kasalukuyan ay dalawa pa lamang sa mga ito ang naberipika na.

Samantala, kabuuang 23 katao naman ang naiulat na nawawala kabilang ang 12 mula sa Eastern Visayas, walo mula sa Bicol, at tatlo mula sa Northern Mindanao.

Ang malakas na ulan na nagdulot ng malalang pagbaha ay dahil sa umiiral na shear line na nagsimula bisperas ng Pasko at nagpapatuloy hanggang sa ngayon.

Nitong Linggo, Disyembre 25 ay nagdeklara na ng state of calamity sa Gingoog, Misamis Oriental. RNT/JGC