Patay sa baha, ulan umakyat na sa 27

Patay sa baha, ulan umakyat na sa 27

January 15, 2023 @ 3:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa matinding pagbaha dulot ng masamang panahon at malakas na pag-ulan.

Ito ang iniulat ng Department of National Defense (DND) nitong Linggo, Enero 15 batay sa latest bulletin ng ahensya.

Dagdag pa rito, mahigit 614,000 katao o mahigit 151,000 pamilya ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan dulot ng low pressure area at shear line mula pa noong Enero 2.

Mayroon namang 11 na nasaktan at 3 na patuloy na pinaghahanap.

Nasa 112,000 katao o mahigit 31,000 pamilya ang lumikas sa kani-kanilang mga tahanan dahil din sa pagbaha.

Apektado nito ang 13 rehiyon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at sa kasalukuyan ay mayroon nang walong lungsod at bayan, kabilang ang isang probinsya, sa state of calamity. RNT/JGC