Patay sa Christmas flooding 51 na, 19 nawawala

Patay sa Christmas flooding 51 na, 19 nawawala

January 2, 2023 @ 10:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 51 indibidwal ang naitalang nasawi kasundo ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa bahagi ng Visayas at Mindanao noong Christmas weekend noong 2022.

Iniulat ng national disaster officials nitong Lunes na 51 ang nasawi, 19 ang nawawala at 16 ang nagtamo ng sugat sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at sa Davao Region.

Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na patuloy ang search at rescue operations.

Umabot naman ang pinsala mula sa pag-ulan at pagbaha dulot ng shear line sa ₱1.14 bilyong halaga ng imprastraktura at ₱245.08 milyon sa agrikultura, kabilang ang pinsala sa irrigation systems.

Napinsala rin nito ang 4,540 tahanan at naging sanhi ng paglikas ng 13,000 pamilya noong Christmas weekend.

Sinabi ng OCD na nakapagbigay ito ng ₱48 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong populasyon. RNT/SA