Patay sa COVID-19 sumampa na sa 4.1M

Patay sa COVID-19 sumampa na sa 4.1M

July 22, 2021 @ 9:53 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sumampa na sa 4,119,920 indibidwal ang nasawi dahil sa COVID-19 simula nang ideklara ang outbreak nito sa Wuhan, China noong December 2019.

Aabot naman sa 191,365,730 ang kabuuang kaso ng sakit sa buong mundo, pero malaking bahagi nito ang gumaling na.

Ang nasabing bilang ay base sa daily reports na ipinapadala ng health authorities ng bawat bansa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), maaaring dalawa o tatlong beses na mas mataas kumpara sa official record ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo dahil na rin sa mga ‘excess mortality’ na direkta o hindi direktang iniugnay sa sakit.

Malaking bilang ng mga less severe o asymptomatic cases ang maaari ring nananatiling undetected sa kabila ng pinaigting na testing ng maraming bansa.

Noong Martes, nasa 17,230 na bagong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 ang naitala worldwide.

Ang mga bansang may pinakamaraming new death cases ay ang Ecuador na may 8,786, sinundan ng India, 3,998 at Brazil, 1,424.

Habang ang United States naman ang itinuturing na ‘worst-affected country’ na may 609,529 deaths mula sa 34,174,774 cases nito. RNT


  •  
  •  
  •