Patay sa COVID sa Pinas 40,580 na

Patay sa COVID sa Pinas 40,580 na

October 16, 2021 @ 4:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Malaki ang ibinaba ngayon ng bilang ng mga naitalang bagong gumaling sa coronavirus disease batay sa case bulletin ng Department of Health.

Ngayong araw, Oktubre 16, nakapagtala lamang ng 1,634 na bagong gumaling kaya ang total recoveries na mula sa nakamamatay na sakit ay umabot sa 2,587,881.

Ang bagong kaso naman ay nanatili sa 7,772 kung saan umakyat na sa kabuuang 2,713,509.

Pumalo na rin sa 40,580 ang namamatay sa sakit dahil sa karagdagang 156.

Umabot na lang sa 85,048 ang aktibong kaso.

Paulit-ulit naman ang paalala ng DOH lalo ngayong nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila na pag-igtingin pa ang masusing pag-iingat laban sa pagkalat at hawaan ng sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden