Patay sa dengue, 344 na-DOH

Patay sa dengue, 344 na-DOH

August 9, 2022 @ 7:37 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang nasawi sa dengue sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, may kabuuang 344 na ang nasawi sanhi ng dengue ang naiulat sa buong bansa mula Enero hanggang Hulyo 23.

Sa nasabing panahon, sinabi ng DOH na mayroong 92,343 dengue cases, isang 118% na pagtaas kumpara sa 42,294 na nai-post noong isang taon.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat mula sa mga sumusunod na rehiyon—Central Luzon (15,951), Central Visayas (9,429), at National Capital Region (7,962).

Samantala, tumaas ang bilang ng mga kaso ng dengue sa Metro Manila at Mimaropa mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23.

Nauna nang hinimok ng DOH ang publiko na isagawa ang 4S strategy: search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation, and support fogging/spraying in hotspot areas. Ito ay higit na kinakailangan sa kasalukuyang tag-ulan. RNT