Patay sa Florida collapse 94 na

Patay sa Florida collapse 94 na

July 13, 2021 @ 11:01 AM 1 year ago


US – Tinatayang nasa 94 na ang narekober na labi sa gumuhong condominium sa Florida nitong Lunes.

Ayon kay Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava hindi naging madali ang pagkilala sa mga labi sa ika-19 araw ng rescue operation.

Dagdag pa ni Levine Cava sa ginawang briefing, katulong ng mga recovery workers sa pagkilala ng mga nakuhang labi ay ang mga medical examiner’s office.

Hindi mabilang sa 22 labi hanggang sa 31 labi ang narerecover sa nagdaang Lunes.

“The process of making identifications has become more difficult as time goes on, and the recovery at this point is yielding human remains,” aniya Levine Cava.

Nakaraang linggo ay dineklara ng mga opisyal na mula sa rescue ay itinaas na ito sa recovery dahil sa wala pa rin silang nakukuhang buhay. Yna de Luna (trainee)