Patay sa Indonesia quake, 268 na

Patay sa Indonesia quake, 268 na

November 23, 2022 @ 10:15 AM 4 days ago


JAKARTA, Indonesia – Umakyat na sa 268 ang namatay sa tumamang lindol sa West Java, Indonesia.

Ito ang sinabi ng disaster relief officials nitong Martes, Nobyembre 22 samantala mayroon pang 151 katao ang nawawala sa mga gumuhong gusali.

Matatandaan na nitong Lunes, Nobyembre 21 ay tumama ang magnitude 5.6 na lindol at nagresulta sa matinding pinsala sa sentro nito na Cianjur, 75 kilometro timog-silangan ng kabisera na Jakarta.

Isang komunidad din ang nalubog sa lupa dahil sa landslide.

Ayon kay disaster agency chief Suharyanto, mahigit 1,000 katao ang nasaktan at 58,000 ang nawalan ng tirahan dahil sa 22,000 tirahan na napinsala.

Sa impormasyon naman ni Henri Alfiandi, pinuno ng National Search and Rescue Agency, pahirapan ang rescue operation sa lugar na nalubog sa landslide dahil din sa sitwasyon ng lupain sa lugar.

“The challenge is the affected area is spread out… On top of that, the roads in these villages are damaged,” sinabi ni Alfiandi.

Karamihan sa mga biktima ay mga bata na nasa paaralan nang tumama ang lindol. RNT/JGC