Patay sa Indonesia quake, 321 na

Patay sa Indonesia quake, 321 na

November 28, 2022 @ 9:34 AM 2 months ago


CIANJUR, Indonesia — Umakyat sa 321 ang death toll mula sa lindol na tumama sa isla ng Java sa Indonesia, matapos matagpuan ng rescuers ang ilan pang bangkay nitong Linggo, ayon sa national disaster mitigation agency.

Tumama ang 5.6-magnitude earthquake sa West Java town ng Cianjur noong Lunes, kung saan karamihan sa mga biktima ay nasawi sa pagguho ng gusali o landslide.

Sinabi ni disaster mitigation agency chief Suharyanto sa news briefing nitong Linggo na nahanap ng rescuers ang tatlo pang bangkay nitong Sabado.

“With the discovery of these three (bodies), as of today, the death toll becomes 321 people,” ani Suharyanto. Nawawala pa rin ang 11 indibidwal.

Itutuloy ng rescuers ang paghahanap ngayong Lunes, at tututukan ang mga lugar kung saan pinaniniwalaang nalibing ang mga nawawala, ayon kay West Java search and rescue agency head Jumaril. RNT/SA