Patay sa Indonesia quake, pumalo sa 131

Patay sa Indonesia quake, pumalo sa 131

August 8, 2018 @ 6:04 PM 4 years ago


 

Indonesia – Umakyat pa sa 131 ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng 6.9 magnitude na lindol sa isla ng Lombok sa Indonesia noong Linggo.

Nasa 156,000 na rin ang pwersahang inilikas sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa mga aftershocks habang naitala naman ang 1,477 na sugatan.

“We estimate the death toll of 131 will keep rising,” ayon kay national disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho.

Sa ngayon ay patuloy pa ang search and rescue operation sa mga gumuhong gusali at bahay.

Nanawagan naman si West Nusa Tenggara governor Muhammad Zainul Majdi na nangagailangan pa sila ng tulong medikal at pagkain.

“We have limited human resources. Some paramedics have to be at the shelters, some need to be mobile,” aniya.

“The scale of this quake is massive for us here in West Nusa Tenggara, this is our first experience,” dagdag pa ng opisyal (Remate News Team)