Patay sa Indonesia quake umabot na sa 162

Patay sa Indonesia quake umabot na sa 162

November 22, 2022 @ 9:19 AM 2 weeks ago


JAVA, Indonesia – Inihayag ng gobernador ng pinakamalubhang naapektuhang lalawigan ng tumamang magnitude 5.6 na lindol na posibleng hindi bababa sa 160 ang nasawi mula rito.

Ani West Java governor Ridwan Kamil nasa 162 ang nasawi habang umabot na sa 362 ang sugatan.

“I regret to inform that 162 are dead,” ani Kamil.

Ang Java ay mayroong 2.5 milyong residente.

Sa kabila ng panayam ni Kamil, inilagay pa rin ng disaster mitigation agency (BNPB) ng Indonesia ang bilang ng mga nasawi sa 62 at ang mga rescuer ay naghahanap ng 25 na pinaniniwalaang na-trap sa ilalim ng mga guho.

Ang sentro ng lindol ay naitala sa Cianjur, West Java. RNT