Patay sa Iraq hospital fire 82 na, 110 sugatan

Patay sa Iraq hospital fire 82 na, 110 sugatan

April 25, 2021 @ 9:47 PM 1 year ago


Baghdad City, Iraq-Umakyat na sa bilang na 82 mula 23 ang kumpirmadong patay sa naganap na sunog sa lungsod na ito kahapon hanggang madaling araw kanina.

Naganap ang sunog nang sumabog ang isang tangke ng oxygen na gamit sa intensive care unit para sa mga pasyenteng may coronavirus disease o COVID-19 sa Ibn al-Khatib Hospital.

Sinasabing dalawa lamang sa nasa 30 pasyente na may kasong severe at critical sa ICU ang nailigtas ng mga paramedic at ang iba, nahagip na ng apoy at nakamamatay na usok sa ibang bahagi ng ospital.

https://www.remate.ph/23-covid-19-patients-nalitson-sa-sumabog-na-oyygen-tank-sa-iraq/

Kaugnay nito, sinibak na sa tungkulin ni Prime Minister Mustafa al-Kadhimi ang director-general ng Baghdad Health Department sa al-Rusafa area na kinatatayuan ng ospital.

Sinibak din sa pwesto ang direktor ng Ibh al-Khatib Hospital, kasama ang director ng engineering and maintenance.

Sa pulong na ginanap at pinamunuan ni al-Kadhimi sa Baghdad Operations Command headquarters, isa umanong krimen ang naganap bagama’t nauugat ito sa kapabayaan.

Pananagutin umano ang dapat na managot sa pangyayari.

Naganap ang sunog habang inaatake ng second wave ng COVID-19 at mahigit nang 15,000 ang namamatay rito. Fred Cabalbag