Patay sa IS attack sa Syria, 68 na

Patay sa IS attack sa Syria, 68 na

February 19, 2023 @ 8:52 AM 1 month ago


SYRIA – Umakyat sa 68 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pag-atake ng hinihinalang Islamic State group sa Syria.

“A total of 61 civilians and seven soldiers have been killed in the attack,” ani Rami Abdel Rahman, pinuno ng Syrian Observatory for Human Rights, nitong Sabado, Pebrero 18.

Ayon sa Britain-based Observatory, ang nangyaring pag-atake noong Biyernes, Pebrero 17 ay ginawa ng jihadists na nakasakay sa motorsiklo at namaril sa truffle hunters.

Itinaon ng IS ang taunang pag-aani ng desert fungus, na tumatakbo mula Pebrero hanggang Abril.

Ang pag-atake ng hinihinalang IS attacks sa Syrian desert ay umakyat na sa 90 mula Pebrero 10.

Noong Biyernes naman, mayroong naiulat na 53 nasawi sa pag-atake sa bayan ng Al-Sokhna.

Ito na ang itinuturing na deadliest attack ng IS mula noong Enero, kung saan pinaulanan ng grupo ang Kurdish-controlled northeastern city ng Hasakeh, sa panawagan na palayain ang kapwa jihadists.

Nagresulta naman ito sa 105 nasawi, karamihan ay sibilyan, kasama ang 268 jihadists. RNT/JGC