Patay sa lindol sa Papua New Guinea, umakyat na sa pito

Patay sa lindol sa Papua New Guinea, umakyat na sa pito

September 12, 2022 @ 7:46 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa pito ang nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Papua New Guinea.

Ito ang iniulat ni Police Commissioner David Manning ng naturang bansa makaraang yanigin ng Magnitude 7.6 na lindol ang hilaga at gitnang bahagi nito.

“The tremors caused damage to buildings and public roads” ani Manning.

Marami rin umanong naitalang pagguho ng lupa at mayroon pang mga minero ang nalibing ng buhay sa Wau.

Ang apat na iba pang nasawi ay nagmula naman sa mga probinsya ng Morobe at Madang.

Nauna nang nagbabala ang Prime Minister ng Papua New Guinea na si James Marape sa inaasahang malakas na lindol na nangyari na nga noong Linggo.

Bahagi rin ng Pacific Ring of Fire ang Papua New Guinea kung kaya’t prone rin ito sa mga malalakas na lindol gaya ng Pilipinas. RNT/JGC