Patay sa lindol sa Turkey, Syria sumampa na sa 2,300

Patay sa lindol sa Turkey, Syria sumampa na sa 2,300

February 7, 2023 @ 8:05 AM 2 months ago


TURKEY — Umakyat na sa mahigit 2,300 katao ang nasawi sa nangyaring malakas na lindol sa Turkey at Syria, Lunes ng madaling araw, Pebrero 6.

Ayon sa emergency services ng Turkey, nasa 1,498 katao ang nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol sa bansa, isama pa ang 810 na kumpirmadong nasawi sa katabing bansa na Syria.

Dahil dito ay umakyat sa 2,308 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa lindol, mas mataas sa naunang iniulat na mahigit 1,200.

Matatandaan na nitong Lunes ay niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Gaziantep, sa southeastern Turkey na may lalim na 17.9 kilometro ayon sa US Geological Service.

Maraming mga gusali ang pinabagsak ng nangyaring lindol na ayon pa sa pinuno ng National Earthquake center ng Syria na si Raed Ahmed, ito na ang “biggest earthquake recorded in the history of the center.” RNT/JGC