Patay sa LPA, shear line 30 na!

Patay sa LPA, shear line 30 na!

January 18, 2023 @ 1:26 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 30 ang mga nasawi dahil sa matinding pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa dulot ng low pressure area (LPA) at shear line.

Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules, Enero 18, maliban dito ay mahigit isang milyon katao o 387,000 pamilya ang apektado mula sa 13 rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao mula Enero 2.

Mahigit 200,000 indibidwal naman, o 55,850 pamilya, ang pwersahang inilikas sa kani-kanilang mga tahanan.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang 13 nasaktan at lima na patuloy na pinaghahanap.

Samantala, pumalo naman sa P374 milyon ang agricultural damage at ang pinsala sa imprastruktura ay nasa P181.6 milyon na.

Sampong mga lungsod ay bayan naman ang isinailalim sa state of calamity kasunod ang paglalagay ng buong probinsya ng Samar sa kaparehong kalagayan. RNT/JGC