Patay sa Malaysia landslide umakyat sa 23

Patay sa Malaysia landslide umakyat sa 23

December 18, 2022 @ 10:01 AM 1 month ago


MALAYSIA – Umakyat na sa 23 ang nasawi sa nangyaring landslide sa isang campsite sa bansa, kung saan kabilang sa mga ito ay anim na bata, ayon sa awtoridad.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations dahilan para marekober ang mas marami pang bangkay, habang nasa 10 katao pa ang naiulat na nawawala sa nangyaring landslide sa isang organic farm malapit sa bayan ng Batang Kali sa labas lamang ng kabisera ng Kuala Lumpur noong Biyernes.

Ayon sa awtoridad, maliit na lamang ang tsyansa na makita pang buhay ang iba pang nawawala.

Sinabi ng mga opisyal na mayroong higit sa 90 katao, karamihan sa kanila ay natutulog, sa campsite malapit sa isang mountain casino resort nang mangyari ang landslide.

61 indibidwal ang nakaligtas.

Sinabi ng mga awtoridad na 61 katao ang natagpuang ligtas o nailigtas.

Ang sakahan ay walang lisensya upang magpatakbo ng isang campsite at ang mga operator nito ay mapaparusahan kung sila ay mapatunayang lumabag sa batas, sinabi ng mga awtoridad.

Bumisita naman si Prime Minister Anwar Ibrahim sa lugar n at sinabing ibibigay ang tulong pinansyal sa mga pamilya ng mga namatay o nasugatan sa sakuna. RNT