Patay sa #OdettePH umabot na sa 407 — NDRRMC

Patay sa #OdettePH umabot na sa 407 — NDRRMC

January 1, 2022 @ 3:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 407 ang bilang ng nasawi dahil sa bagyong Odette, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ngayon, 75 pa lamang ang kumpirmado rito.

Sugatan naman ang nasa 1,147 habang nawawala pa rin ang 82 katao.

Tinatayang napinsala sa agrikultura at insprastraktura ang nasa P6.9 bilyon at P16.6 bilyon.

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na 4.4 milyong indibidwal ang nasalanta ng bagyong Odette. RNT/FGDC