Patay sa Omicron, 5 na – DOH

Patay sa Omicron, 5 na – DOH

January 26, 2022 @ 1:12 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa lima ang iniulat na namatay dulot ng Omicron variant ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health ngayong Miyerkules, Enero 26.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, tatlo ang senior citizen at pawang may comorbidities.

Sinabing isa rito ay partially vaccinated, isang unvaccinated, habang ang tatlo ay patuloy na biniberipika ng DOH .

Ang reported deaths na ito ay mula umano sa kamakailangang genome sequencing run.

“Tatlo (3) ang nadagdag .Total of 5 now”, ayon sa DOH. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)