Patay sa OrMin tragedy, 11 na

Patay sa OrMin tragedy, 11 na

January 14, 2022 @ 10:48 AM 7 months ago


Oriental Mindoro – Umakyat na sa 11 ang nasawi sa trahedya sa bayan ng Balingasag matapos na bumaligtad ang isang elf truck.

Base sa ulat papunta sana para mag-outing ang magpapamilya at magkakabarangay nang mawalan umano ng preno ang kanilang sinasakyan at bumaligtad.

Nasa 43 indibidwal umano ang sakay ng trak nang bumaligtad ito sa batuhan, ani Balingasag municipal police chief Major Teodoro De Oro.

Kabilang sa nasawi ang tatlong-anyos na bata, dagdag pa ni De Oro kung saan may kinukumpirma pa silang tatlong nasawi.

Marami ang sugatan sa aksidente kabilang ang drayber ng trak na matapos magamot ay sinubukang magtago.

Kalaunan ay naaresto rin ito at nakatakdang kasuhan.

Ang nasabing trak na bumaligtad ay bahagi ng convoy ng tatlong trak. Mabuti na lang ay hindi nakasama sa aksidente ang dalawang iba pa. RNT