Patay sa Paeng, umakyat na sa 112 – NDRRMC

Patay sa Paeng, umakyat na sa 112 – NDRRMC

November 2, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 112 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Paeng ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Nobyembre 2.

Mayroon namang 34 na indibidwal na patuloy pa ring nawawala.

Sa nabanggit na bilang ng mga nasawi, 82 sa mga ito ang kumpirmado samantala 30 naman ang patuloy na bineberipika.

Pinakamarami sa mga naiulat na fatalities ay mula sa BARMM sa 61 na mga nasawi, sinundan ng Region 6 sa 18 nasawi at Region 12 sa tatlong mga nasawi.

Samantala, mayroong 103 katao ang nasaktan kung saan 65 sa mga ito ang kumpirmado at 38 ang patuloy na bineberipika.

Aabot naman sa 751,800 pamilya o 2,491,316 katao ang naapektuhan ng bagyong Paeng. RNT/JGC