Patay sa pamamaril sa California, 11 na

Patay sa pamamaril sa California, 11 na

January 24, 2023 @ 8:44 AM 1 week ago


UNITED STATES – Nagsimula na ang mga awtoridad na tukuyin ang pagkakakilanlan ng 11 katao na nasawi sa nangyaring massacre nitong Lunar New Year sa loob ng isang pamosong dance parlor sa Monterey Park, California.

Ayon sa impormasyon, 10 sa mga biktima ang dead on the spot habang ang ika-11 biktima ay namatay habang ginagamot sa ospital nitong Lunes, Enero 23.

Kinumpirma naman ng coroner’s office ang pangalan ng dalawa sa mga biktima na sina My Nhan, 65, at Lilan Li, 63 – na naroon nang mangyari ang pamamaril sa Star Ballroom Dance Studio, araw ng Sabado, Enero 21.

Bagama’t hindi pa inilalabas ang pangalan ng ibang biktima, sinabi ng mga awtoridad na ang nasawi ay limang babae at limang lalaki na nasa edad 50 hanggang 70.

Wala pang impormasyon tungkol sa ika-11 biktima. RNT/JGC