Patay sa pambobomba sa Syria, lumobo pa

Patay sa pambobomba sa Syria, lumobo pa

July 27, 2018 @ 2:01 PM 5 years ago


 

Syria – Pumalo na sa halos 250 ang bilang ng mga namatay sa patuloy na pambobomba at pag-atake ng Islamic State sa Southern Syria.

Ang bilang ito ay nagsimula lang noong Miyerkoles nang atakihin ng sunod-sunod na suicide bombing ng relebeldeng grupo ang Sweida na sinundan ng ilang pagsabog pa at ng mga pamamaril.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, isang Britain-based monitoring group, tumaas ang bilang ng 24 oras lang at ngayon ay nasa 246 na kabilang ang 135 na sibilyan.

β€œThe toll is now 246 people dead, including 135 civilians,” malungkot ng pagbabalita ni Observatory chief Rami Abdel Rahman.

β€œThe toll keeps rising as civilians who were wounded are dying and people who were unaccounted for are found dead,” dagdag pa ni Abdel Rahman.

Inako ng IS ang bayolenteng pangyayari at sinabing 45 jihadist ang namatay para maisakatuparan ito.

Ito na ang pinakamasalimuot na pangyayari sa Sweida province simula nang magsimula ang civil war noong 2011.

Samatanala, isang mass funeral ang isinagawa sa Sweida. (Remate News Team)