Patay sa sama ng panahon, sumampa na sa 40

Patay sa sama ng panahon, sumampa na sa 40

January 27, 2023 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 40 ang bilang ng mga nasawi dahil sa masamang panahon mula pa noong Enero 1, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Enero 27.

Sa 6 a.m. report ng NDRRMC, sa nasabing bilang, 12 sa mga ito ang mula sa Zamboanga, 10 sa Bicol, walo sa Northern Mindanao, pito sa Eastern Visayas, at tig-iisa sa Mimaropa, Davao at Soccsksargen.

Sa kabila nito, tanging 20 lamang ang kumpirmado sa mga naiulat na nasawi.

Samantala, mayroon pang pito katao ang naiulat na nawawala at 12 naman ang nasaktan dahil sa masamang panahon na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.

Mayroon namang kabuuang 1,964,679 indibidwal o 481,012 pamilya ang apektado mula sa Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa apektadong populasyon, 88,134 indibidwalo 21,444 pamilya ang nananatili pa rin sa 308 evacuation centers habang 27,624 katao o 8,330 pamilya ang nakikituloy sa ibang lugar.

Idineklara naman ang state of calamity sa 85 mga lungsod at munisipalidad sa bansa. RNT/JGC