Patay sa suicide attack sa Kabul, 35 na – UN

Patay sa suicide attack sa Kabul, 35 na – UN

October 2, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


AFGHANISTAN – Umakyat na sa 35 ang bilang ng mga nasawi sa suicide bombing sa isang silid-aralan sa Kabul, Afghanistan ayon sa United Nations mission sa ulat nila nitong Sabado, Oktubre 1.

Matatandaan noong Biyernes ay nangyari ang pag-atake makaraan pasabugin ng suicide bomber ang kanyang sarili sa silid-aralan ng isang learning center kung saan daan-daang estudyante ang naghahanda sana para sa paparating na university entrance exam.

“The latest casualty figures from the attack number at least 35 fatalities, with an additional 82 wounded,” ayon sa UN.

Sa ulat naman ng Kabul police ay mayroong 20 katao ang nasawi samantala 27 ang sugatan.

Sa ngayon ay isinasagawa pa rin ang imbestigasyon at wala pang grupo ang umaamin na may kagagawan sa likod ng pag-atake. RNT/JGC