Patay sa Turkey-Syria quake, 44K na

Patay sa Turkey-Syria quake, 44K na

February 19, 2023 @ 8:00 AM 1 month ago


TURKEY – Umakyat na sa mahigit 44,000 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria.

Kabilang sa natagpuan sa guho sa Antakya ay ang bangkay ni dating Ghana international footballer Christian Atsu.

Ayon kay Turkey disaster agency head Yunus Sezer, lumiit na ang bilang ng mga buhay na taong nakukuha mula sa guho sa mga nakalipas na araw, sabay sabing ang rescue operations ay “largely completed” na pagsapit ng Linggo ng gabi, Pebrero 19.

Nauna nang iniulat ng state news agency Anadolu nitong Sabado, Pebrero 18 na may tatlong tao ang nahukay ng buhay dalawang linggo makalipas tumama ang lindol noong Pebrero 6.

Sa kabuuang bilang na mahigit 44,330 katao na namatay, 40,642 sa mga ito ang mula sa Turkey habang 3,688 anbg mula sa Syria.

Samantala, sa Turkey ay mayroong mahigit 84,000 na mga gusali ang gumuho at nangangailangan ng agarang demolition. RNT/JGC