Patayan, lumalala na naman-Yap

Patayan, lumalala na naman-Yap

August 2, 2020 @ 10:19 AM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Nanawagan si ACT-CIS Cong. Eric Yap sa Philippine National Police na paigtingin pa ang pagbabantay at pagpapatrulya sa mga lansangan matapos ang tila sunod-sunod na patayan sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

“Base sa CCTV footages, tila hindi na natatakot ang mga kriminal na pumatay kahit in broad daylight,” ayon pa kay Yap.

Tinukoy ng mambabatas ang pagbaril at pagpatay ng isang armadong lalaki na nakamotorsiklo kay Philippine Charity Sweepstakes Office Board Secretary Wesley Barayuga sa loob ng kanyang sasakyan sa Mandaluyong City kamakailan.

Nitong Sabado naman aniya’y natagpuang patay ang dinukot na si Adrian Ramos sa Bay, Laguna.

Si Ramos ay pamangkin ni Meyah Amatorio na kasintahan ng pinatay na lady driver na si Jang Lucero.

Sabay na dinukot ng mga armadong kalalakihan sina Ramos at Amatorio sa Laguna ngunit hanggang ngayo’y hindi pa rin natatagpuan si Amatorio.

Si Lucero naman ay tadtad ng saksak nang matagpuan sa kanyang sasakyan noong nakaraang buwan lamang.

Ani Cong. Yap sa Philippine National Police, “Wag lang ‘yung walang face mask at lumalabag sa social distancing ang bantayan ng mga pulis.  Hanapin din nila itong mga kriminal.” RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...