Pathogens nakita sa mga gulay ng DOST-NCRP mula sa Quezon; vegans binalaan

Pathogens nakita sa mga gulay ng DOST-NCRP mula sa Quezon; vegans binalaan

March 4, 2021 @ 4:31 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakakita ang Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NCRP) ng pathogens sa mga gulay na nanggagaling sa organic farms sa Quezon province.

Ayon kay NCRP Executive Director Dr. Marieta Bañez Sumagaysay, iniulat ito ng NCRP team sa kabila ng patuloy nilang pag-aaral upang matiyak ang food security sa bansa.

“Ang ongoing [study] po natin ngayon ay organic farms sa isang probinsya, sa Quezon, ongoing pa po sya. Hindi pa po natin nakukuha pa ang kabuuan ng report pero may partial report po sila na mayroong pathogens dun sa vegetables natin na napro-produce,” lahad nito sa virtual press conference.

Hindi naman pinangalanan ang pangalan ng organic farms upang hindi magdulot ng pagkaalarma sa publiko.

Gayundin ay binalaan naman ang mga vegan na maging maingat sa patungkol na rin sa nasabing isyu. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •