Los Angeles, United States – Sinampahan na ng kasong identity theft at fraud ang 21-anyos na babae na nag-hack sa email accounts ni pop star Selena Gomez.
Ayon sa Los Angeles County District Attorney’s office, ang suspek na si Susan Atrach ay makailang beses na inakusahang nag-hack sa email ng singer mula June 2015 hanggang Pebrero 2016 kung saan ito nagnanakaw ng ilang mga larawan.
Gamit ang mga imormasyon at mga larawan, nagpapanggap ito na siya ang 25-year-old singer para makakuha ng pera sa ilang mga kumpanya.
Kabilang sa mga kasong isinampa ay 5 counts ng identity theft, at 5 counts ng fraud.
Itinakda sa Agosto 27 ang pagdinig sa kaso ni Atrach kung saan maaari itong mahatulan ng hanggang siyam na taon. (Remate News Team)