Patong-patong na proteksyon vs COVID iminungkahi ng DOH

Patong-patong na proteksyon vs COVID iminungkahi ng DOH

October 26, 2022 @ 9:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inulit ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Oktubre 25, na mas mapoprotektahan ang mga tao laban sa COVID-19 kung gagamit sila ng mas maraming layer ng proteksyon laban dito.

“The DOH reminds the public that the more layers of protection we employ, the more protected we are against COVID-19,” ayon sa pahayag ng DOH.

“These include vaccination, masking, distancing, ventilation, and sanitation, as well as taking care of one’s health,” dagdag pa ng ahensya.

Ang pahayag na ito ay inilabas matapos sabihin ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakahanda ang gobyerno na payagan ang boluntaryong pagsusuot ng face masks maging sa indoor spaces.

Sinabi ng DOH na “inilarawan nito ang lahat ng mga potensyal na senaryo” sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) “sa panahon ng mga talakayan tungkol sa masking mandates.”

Sinabi pa na mahalagang matimbang ng publiko ang panganib patungkol dito, lalo na sa darating na pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“The decision to ease masking empowers each and every one of us by giving us the choice to decide based on our personal context and risk appetite,” saad ng DOH.

Maalala na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang executive order o EO na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa outdoor settings partikular sa “open spaces and non-crowded outdoor areas with good ventilation.”

Nakasaad sa kasalukuyang protocol na magpapatuloy naman ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor, private o public establishment kabilang ang pampublikong transportasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden