‘Pattern of impunity’ nadiskubre sa NegOr – Remulla

‘Pattern of impunity’ nadiskubre sa NegOr – Remulla

March 9, 2023 @ 6:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Natukoy ng mga opsiyala ang “pattern of impunity” sa Negros Oriental kasunod ng pagpatay kay Governor Roel Degamo sa kanyang tahanan, noong Marso 4, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes.

“What comes out is a pattern. It’s a pattern of impunity that we did not sense before. It is something that is so new to us,” pahayag ni Remulla, na bumisita sa burol ni Degamo nitong Miyerkules kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Interior Secretary Benhur Abalos.

“It’s very hard to imagine this happening before. But now that this (killing of Degamo) happened, the stories are beginning to make sense that there was a pattern of impunity within the area,” dagdag niya.

Patay sa pamamaril si Degamo at lima pa habang namamahagi ng tulong sa kanyang constituents sa Pamplona, Negros Oriental. Ilang indibidwal ang kritikal ang kalagayan dahil sa pag-atake, habang umakyat na sa siyam ang death toll sa nasabing insidente.

“There will be more cases filed about past incidents that were dismissed before, that were not attended to before but would not constitute double jeopardy on the part of the accused,” ani Remulla.

“So this is not just about nine murders, they may be more, more cases to be investigated, besides even the ones, the three cases, brought by Atty. Baligod brought here on Tuesday,” dagdag niya.

Si Atty. Levito Baligod ang kumatawan sa complainants sa paghahain ng tatlong counts ng murder complaints laban kay Negros Oriental Representative Arnie Teves sa umano;y pagkakasangkot niya sa ilang pagpatay sa lalawigan noong 2019.

Nang tanungin kung kasama si Teves sa ipatatawag sa NBI, sinabi ni Remulla, “Meron pang iba [there are others]. Basta there are many murder cases that are being rooted about that were mentioned to us that we have to investigate further.”

Nang piliting kumpirmahin kung si Teves ay opisyal na iniimbestigahan, sinabi ng Justice secretary said, “Well, we’re investigating everybody who may have something to do with what has been happening in Negros Oriental. Bar none. We are not exempting anybody.”

Sinabi ni Remulla na hindi nakikipag-ugnayan sa kanya si Teves, na pinabulaanan ang pagkakadawit sa pagpatay kay Degamo.

“They know me well enough that this is business. They know me,” aniya.

Samantala, sinabi ni Remulla na nagbigay ng tulong si Marcos sa mga pamilya.

“Of course, we were there at the wake of the governor but the families also went there to see the President. So kinausap niya isa isa and he made sure that assistance is given to them,” sabi niya.

Nauna nang sinabi ni Remulla na “the end is near” sa imbestigasyon sa pagpatay kay Degamo. Isiniwalat din niya na may hawak na video ang mga suspek sa pakikipag-usap sa umano’y mastermind. RNT/SA