PATULO, OIL SMUGGLING PATULOY

PATULO, OIL SMUGGLING PATULOY

July 18, 2022 @ 6:56 PM 1 month ago


HABANG nagbubulag-bulagan ang ilang mga kinauukulan kaugnay sa talamak na pamamayagpag ng operation ng oil smuggling,patulo,pasingaw ng produkto ng petrolyo sa CA­LABARZON area ay partikular na sa lalawigan ng Batangas,Laguna at Quezon ay lalong mamimilipit ang mga Pilipino sa napakamahal na presyo ng langis sa merkado.

Ito ay isang napakalaking hamon para sa liderato ni OIC, PNP chief Lt..Gen. Vicente Danao.

Ang isa sa mga magpapasakit sa ulo ni Danao ay kung paano niya mapipigilan ang lumalaganap na petroleum smuggling ring ng “Binondo Group” na kung saan ay matagal na ring na lihim na nagpupuslit ng mga imported na krudo,gasolina, at gas sa bansa.

Kaya naman sunod-sunod ang mga indultong bumabalandra sa hanay ng pulisya na pinamumunuan ni Danao na ang bilang ay umaabot sa mahigit na 220,000  kabilang na ang mga opisyales.

Ewan ko ba kung ano ang ginagawa ni Danao sa kabila ng kaliwa’tkanang ang economic sabotage gaya ng lumalaganp na “Binondo Group” at buriki syndicate kung saan mismong  ilan sa mga pulis ang siyang nagpapasimuno.

Aba’y kung ako kay Danao,kung hindi rin niya kayang rendahan ang ginagawang katarantaduhan ng kanyang 220,000 kapulisan ay ipakita niya sa mamamayang Pilipino na tunay nga siyang lider na nais ay kapakanan ng bayan

.PASUGALAN SA CAVITE SANDAMAKMAK

Silipin natin sa lalawigan ng Cavite ang Niog, Bacoor kung saan  mabubungaran ang pasugalan ni Nelma sa Queens­row at sa Santiago at Pasong Kawayan ang pasugalan naman ni Emily.

Nakapagtatakang sa kabila ng laganap ang mga iligal na pasugalan ni Noime Gunzon sa Binakayan, Kawit ay hindi kumikilos ang mga mga pulis. Bakit……?

Itanong na lang ninyo kay Cavite Gov. Jonvic Remulla ang dahilan sa hindi pag-aksyon ng mga alagad ng batas.

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926679269 o i-email sa [email protected] o [email protected]