Patuloy na magsuot ng face mask – Malakanyang

Patuloy na magsuot ng face mask – Malakanyang

June 14, 2022 @ 6:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng Malakanyang nitong Martes na ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko “to continue wearing face masks” ay malinaw, matapos ikasa ang bagong polisiya sa probinsya ng Cebu.

Ipinalabas ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia nitong nakaraang linggo ang EO na nag-uutos ng opsiyonal na pagsusuot ng anti-COVID masks sa well-ventilated at open spaces. Ito ay sa kabila ng direktiba ng pamahalaan na magsuot ng mask sa lahat ng pampublikong lugar.

“The Chief Executive’s directive is clear: Continue wearing face masks,” pahayag ni acting Palace spokesperson Martin Andanar.

Aniya pa, sinusuportahan ng Palasyo ang legal na opinyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang inter-agency task force (IATF) resolution sa mandatoryong pagsusuot ng face masks “shall prevail over the executive orders by local government units, including the one issued by the provincial government of Cebu.”

Sinabi ni Guevarra nitong Lunes na ang IATF resolution ay “incorporated in and/or enabled by executive orders” issued by the President, who has supervision over local governments. 

Binubuo ang IATF ng Cabinet secretaries na alter egos ng President, base kay Guevarra. 

Ayon kay Andanar, iniatas na ng interior department sa Philippine National Police “to implement the existing IATF resolution on wearing of face masks accordingly.” RNT/SA