Patuloy na pagbabakuna sa health workers tiniyak ng DOH, NTF

Patuloy na pagbabakuna sa health workers tiniyak ng DOH, NTF

March 14, 2021 @ 8:47 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa publiko na ang kasalukuyang takbo ng pagbabakuna ng COVID-19 para sa mga healthcare workers  ay inaasahang tataas nang mabilis sa sandaling dumating na ang biniling  mga doses pati na rin ang mula sa COVAX facility  sa  kalagitnaan ng second quarter ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III, inaasahan na ang pagbabakuna ng mga HCW ay patuloy na isasagawa upang matiyak na ang mga ospital ay fully operational  at ang kanilang mga tauhan sa ospital ay sapat anumang  oras, kung saan  ang mga healthcare workers  na  nabakunahan ay ang nagpapanatili ng integridad ng sistemang pangkalusugan.

“In anticipation of local and systemic reactions that can occur as a result of vaccination and may render some vaccinees unable to report to work, hospitals needed to spread out the vaccination of their staff. Hindi pwedeng lahat sabay-sabay because we need to ensure na meron tayong sapat na bilang ng medical frontliners para magpatakbo ng ospital,” anang kalihim.

“While herd immunity is the goal of every country including ours, our short term goal with the limited vaccine supply is to reduce mortality and protect those who are at most risk.” ayon pa sa Health Secretary.

Kumpiyansa ang DOH na marami pa ang mababaounahan sa sandaing dumating na ang mga bakuna kontra COVID-19 .

Nngunit habang  hinihintay aniya pagkakataon  na mabakunahan, binigyan diin ni Duque  na hindi dapat magpabaya.

Ang pagbabakuna ayon pa sa kalihim ay isa lamang sa mga diskarte upang labanan ang virus ngunit ang pagsunod sa MPHS ang pinakamahusay pa rin.

“We are confident that we will be vaccinating much more once our vaccines arrive, but while we wait for our turn to get vaccinated, I want to emphasize that we cannot let our guards down. Vaccination is only one of our strategies to beat this virus, but our adherence to MPHS is still the best” pahayag pa ni Duque. Jocelyn Tabangcura-Domenden