Patuloy na paggamit ng landmine ng NPA patunay ng kanilang pagiging terorista – AFP

Patuloy na paggamit ng landmine ng NPA patunay ng kanilang pagiging terorista – AFP

February 17, 2023 @ 2:48 PM 1 month ago


MANILA – Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang patuloy na paggamit ng New People’s Army (NPA) ng mga anti-personnel mines (APM), na kamakailan ay pumatay ng isang batang sundalo at ikinasugat ng tatlong iba pa sa Albay, ay patunay at nagbibigay-katwiran ng kanilang pagiging teroristang organisasyon.

“Ang patuloy na paggamit ng CTG (communist terrorist group) ng APM na ipinagbabawal sa ilalim ng International Humanitarian Law ay nagpapatibay sa kanilang katayuan bilang isang teroristang organisasyon,” sabi ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Medel Aguilar sa isang pahayag.

Ang patuloy na paggamit ng NPA ng mga APM ay nagdudulot ng malaking banta sa seguridad sa lahat dahil maaari itong magdulot ng mga pinsala o kamatayan, sabi ni Aguilar.

Ang pahayag ay kasunod ng pagkamatay ni 2nd Lt. Nico Malcampo ng 9th Infantry Division sa Oas, Albay matapos ang pag-atake ng APM ng NPA noong Peb. 15.

“2nd Lt. Malcampo was killed in action in Oas, Albay on Feb. 15 while responding to the call for help of unarmed civilians who were threatened by the presence of the communist terrorists. He was leading his team when he was fatally wounded by (a) cowardly act of the communist terrorists who employed APM that also wounded three soldiers,” dagdag pa ni Aguilar.

Ang CPP-NPA ay nakalista bilang isang teroristang organisasyon ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, at New Zealand. RNT