Patutsada ni Ciara Sotto kay Valeen Montenegro, “Liars go to hell, di ba?”

Patutsada ni Ciara Sotto kay Valeen Montenegro, “Liars go to hell, di ba?”

June 30, 2018 @ 4:46 PM 4 years ago


More than three years ng hiwalay si Ciara Sotto at ang asawa niyang si Joe Oconer.

Barely one year old pang si Crixus nang magkahiwalay sila pero sang-ayon kay Ciara ay masaya naman siya sa ngayon.

Nakausap ng working press si Ciara Sotto sa press launch ng tvN Asia’s One Night Food Trip International Edition 2 last June 22, at the City of Dreams, Parañaque City. “I’m happy, lalo na ngayon may project kami ni Danica (Sotto) na ganito.

“It’s been really good. Life’s been good and I’m very thankful to God for that.”

Maligaya raw siya with the way Crixus is growing-up.

Simply stated, she seemed to be saying that her life is a lot better now than when she used to have a solid family.

“For me,” she candidly said, “yes, of course.

“Pero ganun naman talaga ang marriage. Meron kayong pagdaraanang mahirap.”

Pero kung hindi mo na talaga kaya and you possibly think that you’re compromising your own happiness, if the set up is not making you a better person, then it’s better to let go. “And I have zero tolerance for cheating. So, I think it’s time to let go.”

Ciara candidly admitted that it was she who filed an annulment.

“Kesa paglaki pa niya, mas marami na siyang tanong. ‘Bakit ka nagpupunta sa court?’

“It would be easier for him. Yung anak ko rin ang iniisip ko.”

Base sa kanyang statement, it would be gleaned that Valeen Montenegro is supposedly the third party in their parting of ways.

When asked to comment about Valeen’s interview, na nadamay lang daw siya supposedly sa publicity nang hiwalayan nila ni Joe, Ciara guffawed and wouldn’t want to comment anymore. “Actually, if that’s her version of the truth, I cannot comment on that.

“Pero ako kasi, takot akong magsinungaling.

“Liars go to hell, di ba?”

The presence of a third party nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay bilang mag-asawa?

“Yes, yes, but it’s not just because of that. Marami na kasing… pero yun talaga ang nag-trigger.

“So, for me, that’s enough. I feel very disrespected.”

Moving on from a broken marriage is not that easy.

For one year, grabe raw talaga ang sakit.

“But then again,” she went on coolly, “for me, makikita mo support system ng family ko, yung anak ko. He’s such a joy to be with.

“So, parang mas naging madali. And number one talaga is God. God really gave me the strength.”

Sa ngayon, civil naman daw sila with each other ng kanyang estranged husband.

Kahit ang relasyon ng kanyang estranged husband sa kanilang anak ay maayos rin naman.

Anyhow, Ciara was with her three-year-old son at the press launch of One Night Food Trip, and from the looks of it, he is a highly disciplined child and well bred.

Sang-ayon nga sa yaya ng anak ni Ciara, ang kabaitan raw siguro ng anak nito ang isa sa blessings ng aktres, singer, at pole dance instructor. “He is good, he loves his dad naman. Excited naman siya to see him,” she said good-natured at the end of the interview.

DAPAT LANG! ni Pete G. Ampoloquio, Jr.