Patutsada ni Sereno, dinedma lang ng Malakanyang

Patutsada ni Sereno, dinedma lang ng Malakanyang

June 29, 2018 @ 8:20 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Dedma lang ang Malakanyang  sa patutsada ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na umano’y bihasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbigay ng mga verbal order nang walang back-up na mga direktiba.

Para kay Presidential spokesperson Sec. Harry Roque, ang pahayag ni Atty. Sereno ay isang komento lamang na mula na naman sa isang private citizen.

Magugunitang, tuluyang nasibak si Sereno sa Korte Suprema makaraang paboran ng mayorya ng kanyang mga kasamahang mahistrado ang qou warranto petition na nagsasabing labag sa batas ang pagkakaluklok sa kanya ng dating administrasyon bilang chief justice.

Kamakailan lamang, ibinalik na ni Atty. Sereno ang binili nitong sasakyan na nagkakahalaga ng limang milyong piso gamit ang pera na mula sa buwis ng taumbayan. (Kris Jose)