Patutsada ni Sereno sa mga Marcos: ‘Kung walang ninakaw, walang na-recover’

Patutsada ni Sereno sa mga Marcos: ‘Kung walang ninakaw, walang na-recover’

October 14, 2021 @ 7:20 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpahaging si former Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa isang Facebook post nitong Martes tungkol sa mga opisyal na ulat ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa mga nakaw na kayamanan ng diktador na si Ferdinand Marcos, kanyang pamilya at mga crony.

“Kung walang ninakaw, walang na-recover. Ganun ka-simple lang po,” saad nito sa Facebook post.

Nabanggit niya rin dito ang ilang source gaya ng  PCGG report at mga desisyon ng Korte Suprema, sa pag-asang maturuan ang publiko sa kabila ng kumakalat na pekeng balita at bidyo na naglalayong baguhin ang naratibo ng diktadura ni Marcos at ng kanyang pamilya sa loob ng 20 taon.

Sa kanyang bagong post, binanggit ni Sereno ang taunang report ng PCGG mula 2016 hanggang 2020, na nagsasaad ng mga detalye ng mga nabawing pag-aari at account mula sa mga Marcos na na-turn over sa gobyerno, maging mga update sa mga kasong kaugnay ng kanilang tinatagong yaman.

Ipinaliwanag ni Sereno na apat na pangulo, maliban sa mga Aquino– Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Rodrigo Duterte ang nagtalaga sa PCGG commissioner.

 “Those appointed and have reported that there was P174 billion worth of recovered assets and P125 billion that are yet to be recovered by Duterte appointees,” ani Sereno.

“Please explain this to your friends. I will presume anyone who will still ask [me] about this a troll because I have been talking about this over and over again,” dagdag pa niya.

“They have decided not to check the documents and not to listen to explanations. Thank you for your understanding.”


  •  
  •  
  •