Paul Lee babalik na sa Magnolia

Paul Lee babalik na sa Magnolia

July 3, 2022 @ 11:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahang babalik na sa paglalaro sa Magnolia si star guard Paul Lee sa susunod na laro ng Timplados Hotshots matapos gumaling sa ang iniinda nitong injury o pamamaga ng  bukong-bukong.

Sinabi ng medical team ng Hotshots kay head coach Chito Victolero na maaaring makabalik si Lee matapos magkaroon ng makabuluhang progreso sa kanyang pagpapalakas na pamamaraan sa nakalipas na linggo.

“May sarili siyang programa. He’s been shooting on his own while doing some strengthening,” ani Victolero. “Pero hindi pa siya nakakasama sa amin sa 5-on-5 drills. Tinitingnan namin ang Martes sa susunod na linggo upang samahan siya muli sa amin sa buong pagsasanay at makita mula doon.”

“Pero, oo, na-inform ako ng PTs namin na target namin ay ibalik siya sa susunod naming laro.”

Sumakit ang likod ni Lee papunta sa bahagi ng binti. At nang maglaro siya ilang linggo na ang nakalipas, nagdulot ito ng pananakit sa kanyang kaliwang bukung-bukong, na nagsimulang bumukol.

“Ang terminong ginamit ni Dr. Raul Canlas ay synovitis,” sabi ni Nick Ocampo, ang physical therapist ng koponan.

Magpapahinga ang Hotshots at babalik sa laro sa Biyernes kontra Terrafirma kaya mabibigyan si Lee ng sapat na oras para mamahinga.

Kasalukuyang nasa ikalimang puwesto ang Magnolia na may 4-3 kartada, kasama ang pinakahuling biktima nito, ang NLEX.JC