Paul Lee, pinangalanang Tokyo ang anak

Paul Lee, pinangalanang Tokyo ang anak

October 12, 2018 @ 9:00 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kahit na pagod at tila wala sa sarili ang player na si Paul Lee, hindi ito naging hadlang para gawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa laban ng Magnolia kontra Blackwater sa PBA Governors Cup nitong Miyerkules.

“Inspired” kasi si Lee sa kaniyang paglalaro laban sa Elite, 48-oras matapos ipanganak ng kaniyang asawang si Rubie ang kanilang unang anak. Pinatumba ng Magnolia ang Elite, 133-99, kung saan nakapagtala ang beteranong combo guard ng 19 points, five rebounds, at four assists.

“Dagdag inspiration to work hard kasi lahat na ng ginagawa ko is for my baby and my little family. I will do everything for my baby. Kaya ok lang yung napupuyat ka, part yun ng pagiging magulang.”

Ayon kay Lee, swerte ang dala ng kaniyang anak na pinangalanan niyang Tokyo dahil pumirma na rin siya ng 3-taon kontrata sa Hotshots, ilang oras lamang bago manganak ang kaniyang asawa.

At kung bakit Tokyo ang napili nilang pangalan, simple lamang daw ang dahilan, ayon sa Magnolia star.

“Tokyo ang paborito namin ng wife ko na puntahan sa Japan,” ayon kay Lee.

“And doon (Tokyo) din nabuo yung baby.”/Remate News Team